Hinggil sa mga malulumbay, sa Apoy [sila]. Ukol sa kanila sa loob niyon ay singhal at singhot, bilang mga mananatili sa loob niyon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya. Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili sa loob niyon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo bilang isang bigay na hindi mapuputol.
"يَا أَيَّتُهَا النَّفْسُ الْمُطْمَئِنَّةُ، ارْجِعِي إِلَى رَبِّكِ رَاضِيَةً مَّرْضِيَّةً، فَادْخُلِي فِي عِبَادِي وَادْخُلِي جَنَّتِي."