الإيمان بالقدر (باللغة الفلبينية)

Naniniwala ang mga Muslim sa Al-Qadar, na tinatawag ding Banal na Predestinasyon (Divine Predestination). Gayunpaman, ang paniniwala sa Banal na Predestinasyon ay hindi nangangahulugan na ang mga tao ay walang kalayaan sa pagpili (freewill). Sa halip, naniniwala ang mga Muslim na binigyan ng Diyos ang mga tao ng kalayaan upang pumili sa pagitan ng tama at mali, at sila ay may pananagutan sa kanilang mga desisyon.
Ang paniniwala sa Banal na Predestinasyon ay binubuo ng apat na aspeto:
1. Alam ng Diyos ang lahat. Alam Niya ang mga nangyari na at ang mga mangyayari pa.
2. Itinala ng Diyos ang lahat ng nangyari at ang lahat ng mangyayari.
3. Anuman ang nais ng Diyos na mangyari ay mangyayari, at anuman ang hindi Niya nais ay hindi mangyayari.
4. Ang Diyos ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay.

جمعية طريق الحرير

2025/02/05

14
0
  • القدر

تطوير midade.com

جمعية طريق الحرير للتواصل الحضاري