ما هو القرآن الكريم؟ (باللغة الفلبينية)
Ang Kagalang-galang na Qur’an ay ang salita ng Allah, ang Panginoon at Lumikha ng lahat ng nilalang. Ibinaba Niya ito sa huling Propeta at Sugo, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah), upang ipaliwanag sa sangkatauhan ang layunin ng kanilang paglikha; upang gabayan sila patungo sa mga bagay na magdadala sa kanila ng kaligayahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay; at upang iligtas sila mula sa walang-hanggang pagdurusa pagkatapos ng kamatayan. Ito ang huling banal na aklat na ipinahayag ng Allah, na nagpapatibay sa mga naunang kasulatan at pinapalitan ang kanilang mga batas.
Ang Kagalang-galang na Qur’an ay isang walang-katapusang kababalaghan at himala, at patunay ng pagiging Propeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah). Hamon ng Allah sa sangkatauhan at jinn na gumawa ng katulad ng aklat na ito o kahit ng pinakamaliit na kabanata nito, ngunit sila ay nabigong tanggapin ang hamon.
Walang anumang pagbabago o pagbaluktot ang naganap sa Qur’an mula nang ito'y ipahayag mahigit 1400 taon na ang nakalilipas, at mananatili itong buo sa orihinal na wikang Arabic kung saan ito ibinaba, ayon sa pangako ng Allah na iingatan ito hanggang sa katapusan ng panahon.