الزمر 23 (باللغة الفلبينية)
Si Allāh ay nagbaba ng pinakamaganda sa pag-uusap, na isang Aklat na nagkakawangisan, na nauulit-ulit. Nangingilabot mula rito ang mga balat ng mga natatakot sa Panginoon nila; pagkatapos lumalambot ang mga balat nila at ang mga puso nila sa pagkaalaala kay Allāh. Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang ililigaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.